Wag ka nang pumunta pa dito. Piliin mo na lang ang plan na bagay sa inyo sa bahay.
Mga tanong
Magkano ang installation fee?
₱2,500 ang installation fee, isang beses lang babayaran kapag una kang nagpakabit. Hindi na ito uulitin sa susunod na buwan.
Ano ang mga available na plan?
May tatlong plan: 5 Mbps sa ₱1,000, 7 Mbps sa ₱1,200, at 10 Mbps sa ₱1,500 kada buwan. Nasa taas ang detalye kung ilang katao ang bagay sa bawat plan.
Bakit kailangan pumili ng tamang plan?
Hinahati ng lahat ng gagamit sa bahay ang bilis ng isang plan. Kung 4 kayo sa pamilya pero ang plan mo ay 5 Mbps, mabagal ang internet ninyo dahil paghahatian ninyo ito, kaya piliin ang plan na bagay sa dami ng gagamit. Kung 1 o 2 lang naman kayo, sapat na ang pinakamurang plan.
Gaano katagal bago ma-install?
Depende, dahil malayo ang Acoje. Sulit ang byahe kapag may kasabay kang magpapakabit, kaya kung dalawa o higit pa kayong nag sign up, mas mabilis. Kung ikaw lang ang nag sign up, maghihintay muna kami ng kasabay mong ipapakabit bago kami umakyat.
Paano magbayad kada buwan?
Sa GCash, Maya, o ShopeePay ka lang pwedeng magbayad. Ibibigay namin sa iyo ang instructions kung paano pagkatapos mong makabitan ng internet.
Paano kung mawalan ako ng internet at hindi kaagad naayos?
Babawasan ang monthly payment mo. Hahatiin namin ang bayad mo sa 30 araw, at ang mga araw na walang internet ay hindi mo babayaran. Kung payag ka naman, pwede rin namin i-adjust na lang ang due date mo kesa ibawas ang bayad.
Pwede bang lumipat ng plan pagkatapos?
Oo, pwede kang humingi ng pagpalit ng plan balang araw, basta sabihin mo lang sa amin kung kailan mo gustong magsimula ang bagong plan.